Ano ang Susunod Pagkatapos ng Halalan 2022 at Laban sa pagka Senador?

Tuloy ang Buhay. Tuloy ang Laban. Tuloy ang Paninindigan.

 

Bago pa man tayo lumahok sa eleksyon at tumakbo bilang Senador ay marami na tayong adbokasiya na ginagawa at ipagpapatuloy natin ang mga ito at mas papalawakin pa.  Seryoso ang hamon ng Climate Crisis at hanggang ngayon ay walang sumeseryoso sa Declaration ng Code Red for Humanity.

 

Isa akong Climate and Nature Defender na may humigit kumulang na 20 taong experience sa broad spectrum ng isyung pangkalikasan.  Isa rin akong Content Creator at Influencer at gagamitin natin ito para patuloy na makatulong sa ating mga kababayan sa iba’t-ibang larangan.

 

Sa kasalukuyan, ako ay isa ring Climate Leader at miyembro ng Climate Reality Leadership Corps, na founded ng pamosong environmental leader na si Al Gore. Kasama. Bilang National President ng Green Party of the Philippines ay kasali rin tayo sa Asia Pacific Greens Federation at sa Global Greens Network na nagbibigay sa atin ng access sa pandaigdigang network ng mga tagapagtanggol ng kalikasan.

PANOORIN ANG AKING MENSAHE UKOL SA ESTADO NG ATING KALIKASAN NOONG WORLD ENVIRONMENT DAY!
David D'Angelo speaks on the Environment
Bayanihan Para sa Kalikasan Movement, Inc.
Brotherhood of Destiny - BROOD

Environmentalist
Influencer
Content Creator

Hinaharap natin ang pagkamatay ng marami sa ating mundo dahil sa matingding pag-init. Maraming mga halaman at hayop ang tuluyang mawawala sa balat ng lupa. Kasama ang sangkatauhan sa mga nanganganib na mawala sa mundo. Hindi natin kakayaning mabuhay sa matinding init, pag-taas ng tubig dagat, pagkawala ng tubig na maiinom, taggutom, mga sakit at iba pang hirap na dulot ng pagbabago ng ating klima.

 

Ang kaganapang ito ay kagagawan ng tao. Dahil sa ating pagsira sa ating kalikasan sa ngalan ng pag-unlad, napabayaan nating maubos ang mga gubat na humihigop sa mga ibunubuga nating usok sa kalawakan. Hindi rin natin mapigilan ang pag buga ng mga usok na galig sa mga pagawaan, sasakyan, at mga planta ng elektrisidad. Sa loob ng siyam na taon, kung tayo ay hindi kikilos, natatantong magwawakas ang kabihasnan ng tao.

 

Naging bulag ang mga namumuno sa ating pamahalaan sa mga pangyayaring ito. Katulad ng kanilang kawalan ng kakayahang pigilan ang kahirapan ng nakararaming tao, wala rin silang kakayahang baguhin ang ating lipunan upang tumugon sa pangangailangang pigilan ang pagkasira ng ating Inang Kalikasan.

 

Panahon na upang ang may malasakit sa kalikasan ang mabigyan ng kapangyarihang wasakin ang sanhi ng pag-init ng mundo. Panahon na upang ihalal ang mga taong may kakayahang mangalaga sa Kalikasan. “Kalikasan Muna” upang tayong naghihirap ay guminhawa. Mga makakalikasan, Magkaisa!

KALIKASAN

Pangunahin sa ating tutugunan ang mga isyu na may kinalaman sa Kalikasan. Kailangang may tunay na manindigan para dito. Ilan sa mga panukalang ating isusulong ang Climate Emergency Bill, Mining Moratorium, Sustainable Transportation, Review ng Renewable Energy Bill, pagpasa sa Environmental Enforcement and Protection Bureau at Criminalization sa mga kasong pangkalikasan.

KABUHAYAN

Mahalaga ang kabuhayan sa bawat mamamayang Pilipino. Ating isusulong ang pagtatapos ng ENDO, pagbuwag sa mga manpower agency, Nationwide across-the-board minimum wage, suporta sa mga entrepreneur at maliliit na negosyo, pag-encourage ng mga green jobs at iba pa, Patatatagin din natin ang paggamit ng blockchain at crypto currency upang mapaunlad pa ang ating ekonomiya.

David D'Angelo - Boses ng Kalikasan sa Senado

KINABUKASAN

Mahalaga sa akin ang isang masagana at luntiang bukas. Isusulong nating ang Food Sovereigty sa pamamagitan ng suporta sa agrikultura at sektor ng pagkain, pagpapatibay ng ating soberenya at kooperasyon sa ibang bansa, pagiging pangunahing boses para sa Climate Action sa Asya at sa mundo, pagsusulong ng green and sustainable energy, at paglalatag para sa isang well-being economy.