Nakikiisa po ako sa ginagawang transport strike ng ating mga kababayang tsupet at jeepney operators. Mahalaga po na maipaintindi sa pamahalaan lalo na sa LTFRB at iba pang ahensya ang hinaing nila at kung bakit mahalaga ang tinatawah na just transition.
Bilang isang environmental advocate ay mahalaga po na maging makakalikasan at mamodernize ang ating transportasyon at kasama na ang jeepneys dito subali't kailangan din po na ito ay makatarungan. Paano makakaangat ang ating mga kababayang tsuper kung aabot ng 2+ milyon ang isang makabagong unit na mahal na nga ay hindi naman mukhang jeepney at gawang China pa lahat. Wala bang kakayahan ang ating mga magagaling na imbentor na makagawa ng design na masasabing tunay na modern jeep.
Kasabay nito ay kailangan din ang pagbabago sa pananaw sa polisiya ng pamahalaan. Kailangang taasan ang pokus sa alt mobility at gawing walkable ang ating mga siyudad. Mula sa car-centric policy ay dapat gawing commuter friendly sa iba't-ibang uri ng paraan kasama na ang biking, paglalakad, mass transportation at iba pa.
Ang tigil pasada ay nakaka apekto sa mga commuter subali't dapat nating maunawaan din ang hirap ng ating mga kababayang driver na kailangang bunuin ang araw-araw sa kakarampot na kita habang nilalanghap ang maruming hangin sa lansangan.
Obligasyon ng pamahalaan na mapangalagaan ang bawat mamayan at isama sila sa mga desisyon na gagawin kaya dapat na ang modernization ng jeepney ay makatarungan at hindi lalong magbabaon sa kahirapan sa ating mga kababayan.
@daviddangeloph Mensahe mula kay G. Jeepney ukol sa modernization at jeepney phaseout. #BosesNgKalikasan #kalikasanmuna #DavidDAngelo #jeepney #notojeepneyphaseout #yestomodernization #foryou #foryourpage #fyp #environment #kalikasan ♬ Rocky - The Intermezzo Orchestra
#NoToJeepneyPhaseout #YesToModernizationWithJustTransition
0 Comments