THE KINGDOM MOVIE REVIEW
A Metro Manila Film Festival entry starring Vic Sotto, Piolo Pascual, etc.
Marahil magtataka kayo bakit may movie review sa website ko na BOSES NG KALIKASAN? Simple lamang naman po, dahil bukod sa kalikasan ay isa rin akong advocate ng pagtataguyod sa ating sining, kultura, at musika.
Maganda ang pelikulang ito sa kabuuan at maganda rin ang pagkaka execution ng kwento bagama't may mga panghihinayang ako sa maaari sanang naging daloy ng kwento. Kung hindi mo pa ito napapanuod ay pagisipan mo ang pagbabasa nito. Spoiler Alert kumbaga.
Maganda ang konsepto at nagpapakita ng isang posibilidad na maaaring nangyari sa Pilipinas kung sakaling hindi tayo nasakop ng mga dayuhan. Maganda ang opening scene subali't nalungkot ako dahil umasa ako na dahil kaya nating tapatan ang tila sumasalamin sa Tsina dahil sa magarang barko, ay napawi ito sa katotohanang inilahad ng pelikula.
Umasa ako na maunlad ang teknolohiya ng Kaharian ng Malaya subali't ang pamamahala lamang at hindi pagkasakop ang naiba. Andun pa rin ang kahirapan at tila hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan sabagay kaharian nga naman so umasa pa ako. Andun din ang korupsyon sa military at syempre ang tupada o sabong na tila mas malala dahil tao na ang nagsasabong. Medyo nadismaya ako sa ipinakitang ito sa totoo lang.
Kung kwento lamang din at pagtingin sa sining at kultura ay masasabi kong magandang pelikula nga ang The Kingdom. Pinilit nyang kunin ang mga kritikal na kailangan ng isang pelikula na makakakuha sa atensyon ng mga manonood. Magaling rin ang pagganap ni Vic Sotto na nakasanayan natin na puro comedy at tuwing MMFF ay si Enteng Kabisote. Hindi lamang si Vic Sotto ang magaling sa pagganap rito kundi pati na rin ang iba pa niyang mga kasala kagaya ni Piolo Pascual, Cid Lucero, at iba pa.
Kung may panghihinayang ako sa pelikula ay ang pagkakataon sana na palikutin ang ating isipan at buksan tayo sa isang Pilipinas na pinapangarap natin. Isang Pilipinas na mas maunlad, hindi ganun kahirap, at may kaibahan sa kasalukuyan. Bagama't iba ang mga salita, paniniwala, at namumuno ay tila wala masyadong pinagbago ang katotohanan sa pelikulang ito. Masasabi mo tuloy na ayos lang pala na nasakop ng mga dayuhan dahil wala rin naman palang pinagkaiba.
Hindi rin naipakita sa pelikula ang iba pang bahagi ng kaharian gaya ng Mindanao, at Bisaya. Masyado ring maliit at pilit na pilit ang Parliamentary System na ipinakita sa pelikula bagama't sapat na ito para sabihining isang Parliamentary-Monarchy ang umiiral na gobyerno.
Isa pa sa nagustuhan ko sa pelikula ay ang paggamit ng mga kanta at tunog na sariling atin. Nandun din ang isa sa pinakapaborito kong kanta noong ako ay bata pa na "MAGKABILAAN," na orihinal na kanta ni Joey Ayala at ng Bagong Lumad.
Irerekomenda ko ba ang The Kingdom na panuorin? Oo, sapagka't bagamat marami akong ibang inaasahan ay maganda pa rin ang tema nito at ito ang kaunaunahang what if scenario na ganito ang tema. Mukha ngang magkaka sequel pa ito
Kayo mga kaBOSES napanuod nyo na ba ang THE KINGDOM? Ano masasabi ninyo?
0 Comments