Toni Gonzaga Sangkot sa Matinding 'Fake News'?

Press Release: GINAGAMIT NG BANGON BAGONG MINERO (BBM) PARTY LIST SI TONI GONZAGA BILANG ENDORSER NG ‘FAKE NEWS’


Wakasan ang Mapanlinlang na "Responsible Mining" – Panawagan para sa Tunay na Kapakanan ng Kalikasan at Sambayanang Pilipino

GINAGAMIT NG BANGON BAGONG MINERO (BBM) PARTY LIST SI TONI GONZAGA BILANG ENDORSER NG ‘FAKE NEWS’


PRESS RELEASE
#19 DAVID D’ANGELO – BOSES NG KALIKASAN SA SENADO


FOR IMMEDIATE RELEASE
Petsa: February 24, 2025 (Updated March 1, 2025)
Lokasyon: Bulacan, Philippines
Downnload Press Release

Sa kabila ng mga pahayag nina Toni Gonzaga at Bangon Bagong Minero sa kanilang YouTube Documentary na nag-aangkin ng “Responsible Mining,” malinaw na ito ay naglalaman ng puro fake news at mapanlinlang na mga pahayag. Matagal nang pinipilit ng industriya ng pagmimina ang ideya na ito at ngayon at ginagamit pa nila ang artistang si Toni Gonzaga upang gawing katanggap-tanggap sa lipunan ang kanilang makasariling adhikain. Ang tinatawag nilang “Responsible Mining” ay HINDI TOTOO at walang batayang teknikal at panlipunan, habang ang tunay na reyalidad ay patuloy na sumisira sa ating kalikasan.

Ang video na The Truth Behind Mining, ay nagsisilbi upang maalis ang negatibong mga pananaw ng tao ukol sa industriya ng pagmimina. Umpisa pa lamang ay marami nang kasinungalingan ang pinapakita sa video.

Walang Tunay na Benepisyo para sa Katutubo at Mamamayan

Sa mining, makikita lamang ang 1% hanggang 2% na buwis, habang ang bagong batas na isinusulong ay nagpapalala pa lalo sa sitwasyon ng ating mga katutubo. Hindi ito nakakatugon sa pangangailangan ng sambayanan noon, ngayon, at sa kinabukasan, bagkus ay nagpapalawak lamang ng agwat ng mayaman at mahirap sa ating bansa. Bukod pa rito mahigit  1,487,000 hectares ang nawala sa mga katutubo, isang sukat na mas malaki pa sa Timor-Leste (2.2 million football fields) at napunta sa mga minahan simula pa noong 1990s. Ang bumabalik sa mga komunidad (roads, schools, employment) mula sa kompanya ng mina ay kakarampot lang mula sa pakinabang ng mga may-ari at panandalian lamang

Hindi Lang Bundok ang Nawawala

Ang pagsira ng mga minahan ay hindi lamang basta-bastang nagwawasak ng bundok at kagubatan, kundi pati ang buong biodiversity ng lugar na binubuo ng mga hayop at halaman na ang iba ay endemic at endangered na nagangannib maubos - isang kayamanang hindi na muling mabubuo. Matagal ang rehabilitasyon ng mga minahan. Daang taon bago muling mapakinabangan ang lupa. Libo hanggang milyong taon ang pagdevelop ng minerals. Hindi pwedeng taniman o tayuan ng kahit na ano ang minahan at kalapit na area nito dahil sa depletion ng soil nutrients at pagkalason mula sa chemicals na ginamit sa mina

Isang Nawala, Higit Kaysa Sampung Itinanim

Ang bawat nawalang puno ay hindi mapapalitan. Ang pagkawala ng isang puno ay simbolo ng ‘di-mabilang na pinsalang idinudulot ng maling pamamalakad sa pagmimina. Mahigit 230,000 na ektarya ng kagubatan ang nawala sa mga lugar na nasakop ng pagmimina - sukat na 3x mas malaki kaysa New York City.

Talo ang Pilipinas sa Pag-export ng Raw Mineral Ore

Mali ang ideya. Imbes na i-export ang raw ore at isakripisyo ang ating kinabukasan, dapat itong maproseso at manatili sa loob ng bansa. Ang exportation ay walang malilikhang pakinabang sa ating ekonomiya na maipamamahagi sana sa sambayanang Pilipino. Dapat ang mas nakikinabang sa raw materials ay walang iba kundi ang lugar at sa komunidad kung saan ito nagmula, ngunit baliktad nangyayari, sila ang pinaka kawawa dahil sa mga nangyayaring sakuna mula sa landslides at pagbaha at ibang pang kalamidad, lason mula sa mga mineral leak na napupunta sa kanila pagkain, at sila ang biktima ng kahirapan matapos ubusin ang yaman at sirain ang kanilang lugar

Hindi Makatotohanan ang Mga Dokumentaryong Pumupuri sa Pagmimina

Ang mga palabas na nagpapakita ng pagmimina bilang positibong hakbang ay malayo sa katotohanan. Ang realidad: mas marami ang negatibong epekto, at ang positibong epekto sa mga mamamayan ay napakaliit kumpara sa bilyon-bilyong kita ng mga mining companies at sa mga kupit ng mga nalalagyang pulitiko. 

Konklusyon: Fake News ang Resposible Mining!

Marami pang kasinungalingan na nabanggit sa video, ngunit para kay Senatoriable David D’Angelo, ang Boses ng Kalikasan sa Senado, ang pinakamalaking panlilinlang ay ang pag gamit ng mga mapagsamantalang lobbyist  ng artistang pang masa upang magkalat ng misinformation.

Hindi ginawa ni Toni Gonzaga ang kanyang due diligence noong tinanggap nya ang project na ito. Nasa higit 300,000 views na ang video. Ano ang epekto nito sa publikong manonood? 

Walang matinong magiging kamalayan ang masa tungkol sa kasamaan na dulot ng mining. Dahil misinformed ang masa, di nila makokonekta ang mga climate catastrophes bilang tunay na epekto ng maling pagmimina.

Kaisa ako ng lahat ng Pilipino sa panawagang itigil na ang kasinungalingan at retorika at ipaglaban ang tunay na kapakanan ng ating kalikasan at komunidad. Magkaisa tayo para sa isang malinis, makatarungan, at maunlad na Pilipinas! Maghalal tayo ng mga may pakialam sa kinabukasan ng bayan at hindi lang ng iilan na may layuning pansamantala lamang.

- 30 -


Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

David D’Angelo
Senatorial Candidate, Bunyog Pagkakaisa Party
team@dangelodavid.com 


0 Comments